Wednesday, August 23, 2017

Sandra Cam's viewpoint on the news "2 parak umamin na!"


"Mabuti kung ganoon! Salamat sa dalawang police suspects na ito na umamin na sa kanilang krimen! Patawarin nawa kayo ng Panginoon! Ang problema sa legal principle na "presumption of regularity" para sa mga tagapagpatupad ng batas ay hindi naman talaga natin talos kung nasa tamang proseso ang kanilang mga ginagawa! Bakit?! Sapagkat sila ay tao lamang na puedeng masilaw ng korupsiyon sa pera, maaaring mapasunod ng pikit-mata na sundin ang mga ilegal na kautusan ng kanilang mga opisyal na halang ang kaluluwa at saka maaaring gumanti sa mga may atraso sa kanila upang ang mga ito ay papanagutin! At dahil sa hindi naman perpekto ang ating criminal justice system, ang pakaasahan na lang talaga natin ay ang maningas na panalangin sa Panginoong Dios na nawa ay bigyan tayo ng katarungan laban sa mga taong ito! Sa iyo Kian, kung tunay man na ikaw ay drug runner at may ginawang labag sa batas, marapat pa rin na ikaw ay idinaan sa tamang proseso at hindi dapat kinitil ang iyong buhay ng ganoon na lamang! Rest in peace, Kian!" - Sandra Cam, Whistleblower


Read: https://www.philstar.com/psn-metro/2017/08/23/1731699/2-parak-umamin-na

Source: Philstar.com


Visit and Like https://www.facebook.com/SandraCamOfficial

Follow me at https://www.twitter.com/whistleblowerSC

Visit my website at https://sandracamwhistleblower.blogspot.com

OR PLEASE CLICK ON THE IMAGE TO ACCESS THE WEBSITE

No comments:

Post a Comment

PCSO Director Sandra Cam's 4th Public Service Announcement: Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory

4th PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT from the Office of PCSO Director Sandra Cam Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory (All d...