Monday, October 9, 2017

Sandra Cam's viewpoint on the news "Duterte’s net satisfaction drops 18 points — SWS survey"


"Maraming factors! Maaaring ito na ang resulta ng pananabotahe ng mga Dilawan upang mapasama ang imahe ng Pangulong Duterte - ang paggamit nila sa mga tiwaling pulis upang palitawin na mayroong 'EJKs' at masira ang war on drugs ng ating Pangulo! Maaari din naman na itong mga survey companies ay nakipagsabwatan na din sa mga Dilawan upang i-kondisyon ang kaisipan ng marami na gumuguho na ang tiwala nila sa pamahalaan. Magkaganoon man, walang kahalintulad ang Pangulong Duterte sa kaniyang mga accomplishments sa loob lamang ng mahigit isang taon ng panunungkulan. Kung hindi siya ang nanalo - malalantad ba ang mga narco-politicians saka narco-cops? Ilang drug lords na ang napatay, naaresto, sumuko, ninenerbiyos at nagtatago sa kasalukuyan? Mga malalaking kumpanya tulad ng Sunvar Realty, Mighty Corporation, PAL at iba pa ay agad na tumalima sa kautusan ng ating Pangulo upang ibigay sa pamahalaan ang nararapat para sa kapakanan ng mamamayan! Mga opisyal ng pamahalaan na nai-involve sa kurapsiyon ay agad na sinisibak sa puwesto ng ating Pangulo! Ang tunay na pulso ng milyon-milyong Pilipino sa buong mundo ay makukuha na ngayon mula sa social media at hindi na mula sa mga bayarang survey companies! Mga ka-DDS at ka-BBM, kapit-bisig tayo upang protektahan ang ating Pangulo! Siya na ang ating huling baraha para sa PAGBABAGO ng ating lipunan at bansa! May God save the Philippines from these evil Yellows and Reds!" - Sandra Cam, Whistleblower



Read: http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/628732/duterte-s-net-satisfaction-drops-to-record-low-sws-survey/story/

Source: GMANetwork.com



Pakinggan at suportahan po ninyo ako sa aking bagong programa sa radyo, ang "SULONG NA BAYAN" sa DWIZ 882 khz sa AM band, 3:00 PM to 4:00 PM, Mondays thru Fridays. Ano man ang inyong reklamo sa serbisyo ng gobyerno o ano man ang inyong nais ihingi ng tulong, maaari kayong tumawag sa 4701750 hanggang 54 o mag-text o tumawag sa 09081366060 o 09157090882 (radio program hours only please). Para sa live streaming, i-access lamang ang www.dwiz882am.com


Visit and Like https://www.facebook.com/SandraCamOfficial

Follow me at https://www.twitter.com/whistleblowerSC

Visit my website at https://sandracamwhistleblower.blogspot.com/

OR PLEASE CLICK ON THE IMAGE TO ACCESS THE WEBSITE

No comments:

Post a Comment

PCSO Director Sandra Cam's 4th Public Service Announcement: Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory

4th PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT from the Office of PCSO Director Sandra Cam Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory (All d...