Monday, October 16, 2017

Sandra Cam's viewpoint on Rappler's article "#AnimatED: Time to stand up to Duterte’s online bullies"


"Hiyang-hiya naman kami sa inyo, Rappler! Pinagmumukha ninyong pinagtutulungan at kinakawawa ng mga pro-Duterte bloggers at supporters sa social media si Jover Laurio na nasa likod ng 'Pinoy Ako Blog' samantalang kayong mga taga-mainstream media at saka mga Yellow social media bloggers gaya ng mga nasa likod ng blogs na 'Silent No More' saka 'Madam Claudia' ay grabe kung maghabi ng fake news at bumatikos sa Presidente ng Pilipinas! UULITIN KO! PRESIDENTE NG PILIPINAS ANG BINABATIKOS AT IPINAPAHIYA NINYO!!! MGA WALA KAYONG RESPETO!!! At itong mga Dilawang bloggers na ito, ang tatapang ninyong bumatikos pero ang duduwag ninyong ilantad ang totoong katauhan ninyo online! Bakit hindi kayo makipagsabayan sa amin?! Lantaran tayong magbanatan sa social media! Mismo ako, biktima ako ng sensationalized news ng Yellow mainstream media noong March 2017 sa pakikipagsabwatan sa mga nabangga naming mga pulitikong Dilawan. February 2017 nangyari ang insidente sa airport sa kung saan ay sinasabing nagwala daw ako doon ngunit taliwas sa lumabas sa report ang tunay na nangyari at bakit March lamang lumabas sa balita pagkalipas lamang ng ilang linggo na naipakulong na natin si Leila de Lima?! Biktima din ako ng online bashing nitong si 'Madam Claudia'. Nai-post niya ang pictures namin nina Cesar Montano, Robin Padilla saka Philip Salvador noong nasa Russia kami. Pinalabas ng 'Madam Claudia' na kasama kami sa 'junket trip' DAW ng Pangulo at taong-bayan DAW ang nagbayad ng aming pamasahe balikan at mga gastusin namin doon sa Russia! Ilantad mo 'Madam Claudia' ang sarili mo para isampal ko sa iyo ang mga resibo ng sarili kong gastusin sa biyaheng iyon o dili kaya ay makasuhan kita ng libel sa korte! Ang lakas ng loob ninyong maghabi ng kuwento pero mga duwag naman kayo!!!" - Sandra Cam, Whistleblower



Read: https://www.rappler.com/views/animated/185404-stand-up-to-duterte-online-bullies

Source: Rappler.com



Pakinggan at suportahan po ninyo ako sa aking bagong programa sa radyo, ang "SULONG NA BAYAN" sa DWIZ 882 khz sa AM band, 3:00 PM to 4:00 PM, Mondays thru Fridays. Ano man ang inyong reklamo sa serbisyo ng gobyerno o ano man ang inyong nais ihingi ng tulong, maaari kayong tumawag sa 4701750 hanggang 54 o mag-text o tumawag sa 09081366060 o 09157090882 (radio program hours only please). Para sa live streaming, i-access lamang ang www.dwiz882am.com


Visit and Like https://www.facebook.com/SandraCamOfficial

Follow me at https://www.twitter.com/whistleblowerSC

Visit my website at https://sandracamwhistleblower.blogspot.com/

OR PLEASE CLICK ON THE IMAGE TO ACCESS THE WEBSITE

No comments:

Post a Comment

PCSO Director Sandra Cam's 4th Public Service Announcement: Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory

4th PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT from the Office of PCSO Director Sandra Cam Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory (All d...