Tuesday, November 28, 2017

Sandra Cam's viewpoint on the news "Aquino: LP is not out to oust Duterte"


"The signs are everywhere, citizen Noy! Kahit mag-deny ka pa! Mag-deny man ang Liberal Party! Kitang-kita namin ang pagkakaisa ng mga Dilawan sa pangunguna ni Mr. Antonio Trillanes at iba pang mga senador at kongresista, ng mga Pulahan, ng simbahang Katolika, ng mga malalaking negosyante na nababangga ng Pangulo, ng mainstream media, at iba pa!


Kasaysayan din ang kokontra sa pagde-deny mo, citizen Noy! Hindi ba pinabagsak ng alyansang Dilawan ang Pangulong Marcos?! Hindi ba kayo din ang nagpabagsak sa Pangulong Estrada?! Wala bang mabigat na dahilan upang pabagsakin ninyo ang Pangulong Duterte?! Hindi ba kayo nababangga ngayon ng Pangulong Duterte?! Hindi ba nakakulong na ngayon si de Lima?! Hindi ba sinampahan na ng mga kaso sina Trillanes, Hontiveros, mga DOTC officials mo dati, pati na ang bayaw mong si Eldon Cruz at ang dating Budget Secretary mo na si Abad ukol sa P8.7-B right-of-way scam sa General Santos City?! Hindi ba kakanta na si Janet Lim Napoles ukol sa PDAF scam?! At higit sa lahat ay hindi ba kinasuhan ka na bagaman hindi ang inaasahan naming mabigat na ikakaso sa iyo sa Ombudsman ukol sa SAF 44?! Papayag ba kayong makulong?! Papayag ka bang makulong?! Hindi, di ba?!


At ano iyang sinasabi mong laganap pa rin ang kahirapan sa panahon ngayon ng Pangulong Duterte?! Hindi ba kakapasa mo pa lang sa kaniya ng puwesto mo?! Hindi ba tatlong dekada kayong namayagpag sa kapangyarihan?! Ibig sabihin ay kayo ang naglugmok ng Pilipinas sa kahirapan! Anong paglabag sa karapatang pantao ang sinasabi mo diyan?! Nalimutan mo na ba ang ‘Mendiola Massacre’ sa panahon ng nanay mo?! Nalimutan mo na ba ang ‘Hacienda Luisita Massacre’?! Nalimutan mo na ba ang ‘Kidapawan Massacre’ bago ka umalis sa poder mo?! Tatlong dekada ng pamamayagpag sa kapangyarihan ng mga Dilawan ang tigmak ng dugo ang ating kasaysayan! Huwag kang magmamalinis diyan, citizen Noy! Habang itinituro mo ang isang daliri ng kamay mo sa Pangulong Duterte, apat na daliri ng kamay mo ang nakaturo naman sa iyo!" - Sandra Cam, Whistleblower


Read: http://newsinfo.inquirer.net/948070/aquino-lp-is-not-out-to-oust-duterte

Source: Inquirer.net


Pakinggan at suportahan po ninyo ako sa aking bagong programa sa radyo, ang "SULONG NA BAYAN" sa DWIZ 882 khz sa AM band, 3:00 PM to 4:00 PM, Mondays thru Fridays. Ano man ang inyong reklamo sa serbisyo ng gobyerno o ano man ang inyong nais ihingi ng tulong, maaari kayong tumawag sa 4701750 hanggang 54 o mag-text o tumawag sa 09081366060 o 09157090882 (radio program hours only please). Para sa live streaming, i-access lamang ang www.dwiz882am.com


Visit and Like https://www.facebook.com/SandraCamOfficial

Follow me at https://www.twitter.com/whistleblowerSC

Visit my website at https://sandracamwhistleblower.blogspot.com/

OR PLEASE CLICK ON THE IMAGE TO ACCESS THE WEBSITE

No comments:

Post a Comment

PCSO Director Sandra Cam's 4th Public Service Announcement: Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory

4th PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT from the Office of PCSO Director Sandra Cam Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory (All d...