Thursday, November 16, 2017

Sandra Cam's viewpoint on the news "De Lima: ‘Unholy’ Duterte-Arroyo alliance loaning PHL to China"


"De Lima, ang likot naman ng imahinasyon mo sa paggawa ng kuwento na isinasangla ng Pangulong Duterte ang ating bansa sa China! Tila ang pananatili mo diyan sa kulungan bagamat maganda pa rin naman ang kalagayan mo diyan, ha, na dapat sana ay sa regular jail ka nakakulong ay nagbubunga na para sa iyo upang ikaw ay mag-‘hallucinate’. Kulang na lang ay mag-drama ka diyan sa kulungan na ikaw ay nababaliw na upang makapag-apply ka sa Korte Suprema na ikaw ay pakawalan na! Ang pagiging malapit ng Pangulong Duterte sa bansang China ay hindi nangangahulugan na isinasangla niya ang ating bansa dito. Ginagawa niya ito upang wakasan na ang imperiyalismo ng bansang Amerika sa atin upang taas-noo tayong mga Pilipino na haharap sa lahat ng mga malalaking bansa. Sa nakalipas na ASEAN Summit, nakita ng mga Pilipino at ng buong mundo ang paghanga nina US President Trump at ni Russian President Putin sa ating Pangulo. Ngayon lamang ulit nangyari iyan bukod sa dating Pangulong Marcos na nilalabanan ang imperiyalismo ng malalaking bansa.   


Huwag mo din isipin, de Lima na ginagantihan ka lamang ng dalawa! Kahit na inimbestigahan mo si Mayor Duterte noon sa kabila na wala ka namang ebidensiya na may kaugnayan siya sa Davao Death Squad, klaro naman na kaya ka nakulong ay dahil sa pikit-mata ka sa pagkalat ng droga sa Bilibid! Anong ibig sabihin noon?! At ang ginawa mo sa dating Pangulong Arroyo na illegal na pag-aresto noong 2011, walang kinalaman iyon sa kinasapitan mo ngayon! Ang lakas naman ng loob mo, de Lima!


Huwag na huwag mong kokontrobersiyahin ang ‘Build, Build, Build program’ ng Duterte government dahil sa tinagal-tagal ninyong mga Dilawan sa gobyerno ay wala sa inyong nakaisip na gawin ang massive infrastructure programs para sa kapakanan ng ating bansa!


Huwag ka na din magtaka kung bakit si Congresswoman Arroyo ang pinaharap sa mga bisita sa ASEAN meetings imbes na si Leni. Dahil sa dating naging Pangulo ng ating bansa si Congresswoman Arroyo ay mas mahusay niyang maasikaso ang ating mga bisita. Mabuti nga at binibigyan pa din ng ating Pangulo itong si Leni ng mga official functions out of benefit of the doubt sapagkat hindi naman buo ang suporta nito sa Pangulo. Hindi ba, nagsalita pa siya sa mga kasundaluhan na huwag suportahan ang revolutionary government kung idedeklara ito ng ating Pangulo?! Ginang Leni, taong bayan ang nagsusulong ng revolutionary government at hindi ang Pangulo! Wala kang magagawa kung taong-bayan na ang nagsasabi! Kayo lang ba ng may People Power?! " - Sandra Cam, Whistleblower


Read: http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/633309/de-lima-unholy-duterte-arroyo-alliance-loaning-phl-to-china/story/

Source: GMANetwork.com


Pakinggan at suportahan po ninyo ako sa aking bagong programa sa radyo, ang "SULONG NA BAYAN" sa DWIZ 882 khz sa AM band, 3:00 PM to 4:00 PM, Mondays thru Fridays. Ano man ang inyong reklamo sa serbisyo ng gobyerno o ano man ang inyong nais ihingi ng tulong, maaari kayong tumawag sa 4701750 hanggang 54 o mag-text o tumawag sa 09081366060 o 09157090882 (radio program hours only please). Para sa live streaming, i-access lamang ang www.dwiz882am.com


Visit and Like https://www.facebook.com/SandraCamOfficial

Follow me at https://www.twitter.com/whistleblowerSC

Visit my website at https://sandracamwhistleblower.blogspot.com/

OR PLEASE CLICK ON THE IMAGE TO ACCESS THE WEBSITE

No comments:

Post a Comment

PCSO Director Sandra Cam's 4th Public Service Announcement: Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory

4th PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT from the Office of PCSO Director Sandra Cam Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory (All d...