Wednesday, November 8, 2017

Sandra Cam's viewpoint on the news "Fewer Pinoys believe Rody can fulfill vows – SWS"


"Ang mahalaga ay sa loob lamang ng isang taon ay napakarami ng nagawa ng ating Pangulo na hindi nagawa ng nakalipas na mga administrasyon. Nariyan ang Freedom of Information (o FOI), approval ng Free College Education bill, ang achievements ng war on drugs na kahit hindi natapos agad sa loob ng 3 to 6 months ay napakarami ng developments. Hindi naman kasi inakala ng ating Pangulo na napakalalim pala ng pagkaka-ugat ng problema sa droga sa ating lipunan. Ang dami palang involved na mga pulitiko at saka police and military officials. Ang ating Pangulo din ang nakapagpa-bayad sa napakalaki at napakatagal na utang ng Mighty Corporation at ni Lucio Tan sa ating gobyerno. Nabawi din natin ang Mile Long property ng mga Prieto. Kung hindi sana naistorbo ang ating gobyerno dahil diyan sa giyera sa Marawi ay naituon sana ang atensiyon sa panukalang pederalismo ng ating Pangulo. Ito po ang aming pakiusap sa ating mga kababayan, magtiwala lamang po tayo sa ating pamahalaan. Hindi po ninyo batid kung gaano kasipag ang ating Pangulo na kahit may edad na siya ay inilalaan talaga niya ang maraming oras ng bawat araw niya para paglingkuran tayong lahat. Sana ay ipanalangin natin siya sa Panginoon na bigyan pa ng mahabang buhay at ibayong lakas dahil sa totoo lamang ay siya na lang po talaga ang ating huling baraha para sa PAGBABAGO!" - Sandra Cam, Whistleblower




Pakinggan at suportahan po ninyo ako sa aking bagong programa sa radyo, ang "SULONG NA BAYAN" sa DWIZ 882 khz sa AM band, 3:00 PM to 4:00 PM, Mondays thru Fridays. Ano man ang inyong reklamo sa serbisyo ng gobyerno o ano man ang inyong nais ihingi ng tulong, maaari kayong tumawag sa 4701750 hanggang 54 o mag-text o tumawag sa 09081366060 o 09157090882 (radio program hours only please). Para sa live streaming, i-access lamang ang www.dwiz882am.com


Visit and Like https://www.facebook.com/SandraCamOfficial

Follow me at https://www.twitter.com/whistleblowerSC

Visit my website at https://sandracamwhistleblower.blogspot.com/

OR PLEASE CLICK ON THE IMAGE TO ACCESS THE WEBSITE

No comments:

Post a Comment

PCSO Director Sandra Cam's 4th Public Service Announcement: Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory

4th PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT from the Office of PCSO Director Sandra Cam Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory (All d...