Thursday, December 14, 2017

Sandra Cam's viewpoint on the news "De Lima: Duterte befriended NPA in Davao for decades"


"Naku de Lima, huwag mong tinu-twist ang mga istorya ng mga ginawa noon ni Mayor kumpara sa ginagawa niya ngayon bilang Pangulo! Ang pagmamagandang-loob noon ni Mayor Duterte sa mga NPA ay hindi nangangahulugan na sinusuportahan niya ang mga ito na labanan ang gobyerno! Likas lang talaga kay Tatay Digong na maging mapag-kawanggawa anumang kulay mayroon ang isang indibidwal na Pilipino. May nabalitaan ba kayo dati na ina-ambush ng mga NPA ang mga kapulisan at kasundaluhan sa Davao region? May mga terorismo ba silang ginagawa noon sa balwarte ni Tatay Digong? Wala, hindi ba?! Naging payapa at maunlad ang Davao City dahil sa karisma, pagiging sinsero at diskarte ni Tatay Digong! Nitong bagong upo ang Pangulong Duterte, ilang beses bang inilahad ng Pangulo ang pakikipagkasundo sa mga NPA upang wakasan na ang ilang dekada ng kanilang rebelyon at upang magkaroon tayong lahat ng kapayapaan, kaunlaran at makabuluhang pagbabago sa ating lipunan? Maraming beses, de Lima!  Ngunit sa kasamaang-palad ay hindi ito nasuklian ng tama ng mga Komunista! Sino ba naman ang hindi magsasawa sa ganiyang sistema ng pakikipagkasundo sa isa't-isa? Hindi sinsero ang isang panig! 


Hay naku de Lima, wala ng sense ang mga sinasabi mo! Masabi lamang na may kabuluhan ang pagkatao at mga sinasabi mo para sa bayan ay panay ang propaganda mo sa media! At saka ang maniniwala na lamang sa mga sinasabi mo ay ang iilang loyalistang maka-Dilaw at hindi na ninyo mauuto pa ang milyon-milyong mamamayang Pilipino!" - Sandra Cam, Whistleblower


Read: http://www.philstar.com/headlines/2017/12/12/1767712/de-lima-duterte-befriended-npa-davao-decades

Source: Philstar.com


Pakinggan at suportahan po ninyo ang aming programa sa radyo - ang "SULONG NA BAYAN" sa DWIZ 882 khz sa AM band, 3:00 PM to 4:00 PM, Mondays thru Fridays. Ano man ang inyong reklamo sa serbisyo ng gobyerno o ano man ang inyong nais ihingi ng tulong, maaari kayong tumawag sa 4701750 hanggang 54 o mag-text o tumawag sa 09081366060 o 09157090882 (radio program hours only please). Para sa live streaming, i-access lamang angwww.dwiz882am.com


Follow me at https://www.twitter.com/whistleblowerSC

Visit my website at https://sandracamwhistleblower.blogspot.com/

Visit and Like https://www.facebook.com/SandraCamOfficial

No comments:

Post a Comment

PCSO Director Sandra Cam's 4th Public Service Announcement: Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory

4th PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT from the Office of PCSO Director Sandra Cam Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory (All d...