Monday, October 23, 2017

Sandra Cam's viewpoint on the news "ANDANAR SAYS IPU bid to observe De Lima trial ‘classic example of bullying’"


"Kayong mga miyembro ng Inter-Paliamentary Union (o IPU) ay umaabuso at lumalagpas na sa inyong tungkulin. Huwag kayong makialam sa pagsalang ni Leila de Lima sa proseso ng batas ng Pilipinas. Sino kayo para sabihin kami na walang ebidensiya kung bakit kailangang makasuhan si de Lima? Binibilog lamang ni de Lima ang mga ulo ninyo! Taong 2012 pa ay inilalantad ko na ang mga pangyayari sa loob ng Bilibid ngunit hindi ito pinapansin ni de Lima na noon ay Secretary of Justice sapagkat nakikinabang pala siya dito. Pinagmumukha ninyong ginagawan lamang ng political harassment ng Pangulong Duterte si de Lima dahil sa pagiging kritiko nito sa pamahalaan. At ang galing ninyong sabihan kami na ‘lawless nation’. Ngayon lamang sa panahon ng Pangulong Duterte, napapairal ang tamang hustisya para sa lahat! Nagkakamali kayo sa inyong pagkakaalam na noong panahong namamayagpag ang Liberal Party ay umiiral ang hustisya! Ito ay hustisya para sa kanila lamang at hindi sa taong-bayan! Para sa pamilya Cojuangco at hindi sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita! Para sa mga ganid na pulitiko at hindi sa mga biktima ng bagyong Yolanda! Para sa malaking pabuya mula sa State Department ng Amerika at hindi sa SAF 44! Para sa mga drug lords at hindi sa mahihirap! Imulat ninyo ang inyong mga mata at huwag makikialam sa aming panloob na usapin sapagkat kami ay may soberenya!” - Sandra Cam, Whistleblower


Read: http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/630366/ipu-bid-to-observe-de-lima-trial-classic-example-of-bullying/story/

Source: GMANetwork.com


Pakinggan at suportahan po ninyo ako sa aking bagong programa sa radyo, ang "SULONG NA BAYAN" sa DWIZ 882 khz sa AM band, 3:00 PM to 4:00 PM, Mondays thru Fridays. Ano man ang inyong reklamo sa serbisyo ng gobyerno o ano man ang inyong nais ihingi ng tulong, maaari kayong tumawag sa 4701750 hanggang 54 o mag-text o tumawag sa 09081366060 o 09157090882 (radio program hours only please). Para sa live streaming, i-access lamang ang www.dwiz882am.com


Visit and Like https://www.facebook.com/SandraCamOfficial

Follow me at https://www.twitter.com/whistleblowerSC

Visit my website at https://sandracamwhistleblower.blogspot.com/

OR PLEASE CLICK ON THE IMAGE TO ACCESS THE WEBSITE

No comments:

Post a Comment

PCSO Director Sandra Cam's 4th Public Service Announcement: Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory

4th PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT from the Office of PCSO Director Sandra Cam Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory (All d...