Tuesday, October 24, 2017

Sandra Cam's viewpoint on the PCOO news release "President Duterte vows to improve BJMP jails"


“Sa ating mahal na Pangulo, maraming salamat po sa pagbisita ninyo sa mga kulungang pinatatakbo ng BJMP sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig noong nakaraang Miyerkules. Naiparamdam po ninyo sa mga kapus-palad na kahit sila ay nakakulong ay inaalala pa rin ninyo ang kanilang mga kalagayan. Ngunit para sa kaalaman ng lahat ay hindi lahat ng mga nakakulong sa city jails, provincial jails, district jails at ang mga nasentensiyahan na nasa Bilibid, Iwahig, Davao Penal Colony, Correctional Institution for Women at iba pang correctional institutions sa ating bansa ay tunay na nagkasala. Marami ang hindi lamang sila pinalad sapagkat sa mahabang panahon ay naging bulok ang ating criminal justice system. Magkaganoon man, kahit na nakagawa ng krimen ang isang indibidwal ay mayroon pa rin silang mga karapatang pangtao kaya naman ang pagbisita ng ating Pangulo sa mga nakakulong sa BJMP jails sa Bicutan, Taguig ay tatatak sa kasaysayan ng ating bansa na minsan sa ating buhay ay may nakilala tayong Ama ng bansa na tunay na nagmalasakit para sa kaniyang mga anak na naligaw ng landas 'ika nga! Kung may extra ka pang panahon, mahal na Pangulo ay mag-random inspection ka sana sa iba pang mga regular jails sa Metro Manila at sa buong Pilipinas sapagkat ang mga nakita mong maayos na itsura ng sitwasyon sa Bicutan jails ay hindi katulad sa ibang lugar. Mukhang pinaghandaan nila ang iyong pagdating kaya naman inayos at nilinis nilang mabuti ang mga pupuntahan mong kulungan. Maaawa ka po sa kalagayan ng mga preso sa ibang lugar na ewan ko ba kung sino ang dapat sisihin – ang mismong pamunuan ba ng BJMP o ang bawat LGUs. Siksikan po sila doon, walang tuloy-tuloy na daloy ng tubig sa gripo, ang pagkain ay hindi maayos na mukhang hindi tugma sa sinasabing daily budget para sa pagkain sa bawat preso at kaya lamang po may TV units ang ibang selda ay dahil sa kaniya-kaniyang ambag ng mga preso. Wala din pong probisyon ng personal hygiene kits para sa mga preso na walang kamag-anak na dumadalaw at ang matindi po nito ay bakit nakakapasok pa din ang droga sa loob. Mahal na Pangulo, kastiguhin po ninyong mabuti ang pamunuan ng BJMP dahil baka po inililihis po nila kayo sa katotohanan o baka naman po hindi lamang nababatid ng mga nasa itaas na sila ay nalilinlang ng mga ilang tiwaling jail guards kaya nakakapasok pa rin ang mga kontrabando sa loob. Batid ko po ang mga ito dahil nakapasok na po ako sa loob ng iba’t-ibang regular jails at marami na rin po akong natulungang preso sa kanilang mga kaso.” - Sandra Cam, Whistleblower


Read: https://pcoo.gov.ph/news_releases/president-duterte-vows-improve-bjmp-jails/

Source: Presidential Communications Operations Office


Pakinggan at suportahan po ninyo ako sa aking bagong programa sa radyo, ang "SULONG NA BAYAN" sa DWIZ 882 khz sa AM band, 3:00 PM to 4:00 PM, Mondays thru Fridays. Ano man ang inyong reklamo sa serbisyo ng gobyerno o ano man ang inyong nais ihingi ng tulong, maaari kayong tumawag sa 4701750 hanggang 54 o mag-text o tumawag sa 09081366060 o 09157090882 (radio program hours only please). Para sa live streaming, i-access lamang ang www.dwiz882am.com


Visit and Like https://www.facebook.com/SandraCamOfficial

Follow me at https://www.twitter.com/whistleblowerSC

Visit my website at https://sandracamwhistleblower.blogspot.com/

OR PLEASE CLICK ON THE IMAGE TO ACCESS THE WEBSITE

No comments:

Post a Comment

PCSO Director Sandra Cam's 4th Public Service Announcement: Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory

4th PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT from the Office of PCSO Director Sandra Cam Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory (All d...