Wednesday, October 25, 2017

Sandra Cam's viewpoint on the news "Duterte offering Harry Roque Palace communications post"


"Kung totoong nai-offer kay Kabayan partylist Congressman Harry Roque ang pagiging Presidential Spokesman ay hats off ako sa iyo, Sir! Si Congressman Roque ay magiging mahusay na tagasalag at tagapagtanggol ng ating Pangulo sapagkat siya ay palaban at magaling na abugado, human rights advocate, law professor at saka media practitioner. Ang kailangan ng ating Pangulong Duterte ay isang tao na marunong sumalag 'head-on' sa mga maruruming batikos sa kaniyang pamahalaan, marunong magpaliwanag sa mga rhetorics at hyperbolic statements ng ating Pangulo at marunong din sa diplomacy kung ito ay kinakailangan sa pagpapaliwanag sa mga polisiya ng pamahalaan.



Si Atty. Roque ay nag-aral ng Bachelor of Arts, major in Economics and Political Science sa University of Michigan Ann Arbor sa US noong 1986, nag-aral ng abugasya sa UP noong 1990 at kumuha ng Master of Laws with Merits sa London School of Economics noong 1996.



Siya at ang kaniyang team sa 'Centerlaw' ang nag-representa sa mga biktima ng Ampatuan massacre noong 2009, sa mga 'Malaya Lolas' na biktima ng pang-aabuso ng mga Hapon noong World War 2, sa pamilya ng pinaslang na transgender na si Jennifer Laude at sa pamilya ng pinatay na environmental advocate at media man na si Gerry Ortega ng Palawan. 



Nilabanan din niya sa Supreme Court ang Presidential Proclamation 1017 ni dating Pangulong Gloria Arroyo sa pagde-deklara ng State of Emergency sa buong bansa noong taong 2006 for being partially unconstitutional. Kasama din siya sa limang abugado na nilabanan ang ilang specific issues na kanilang nakita sa Cybercrime Law at ang isa pa ay ni-reprepesenta niya ang Integrated Bar of the Philippines (o IBP) upang kontrahin ang pagtutol ng mga local government units sa pag-i-isyu ng mga rally permits except kung nangangahulugan ito ng panganib sa ating Estado.



Kayo para sa iyo, Atty. Roque, congrats at good luck sa iyong magiging bagong position bilang matapang na tagasalag at matalinong tagapagtanggol para sa ating Pangulong Duterte! God bless po sa inyo!" - Sandra Cam, Whistleblower



Read: https://www.rappler.com/newsbreak/inside-track/186309-duterte-offering-harry-roque-palace-communications-post

Source: Rappler.com



Read: http://www.harryroque.com/about-harry-roque/



Pakinggan at suportahan po ninyo ako sa aking bagong programa sa radyo, ang "SULONG NA BAYAN" sa DWIZ 882 khz sa AM band, 3:00 PM to 4:00 PM, Mondays thru Fridays. Ano man ang inyong reklamo sa serbisyo ng gobyerno o ano man ang inyong nais ihingi ng tulong, maaari kayong tumawag sa 4701750 hanggang 54 o mag-text o tumawag sa 09081366060 o 09157090882 (radio program hours only please). Para sa live streaming, i-access lamang ang www.dwiz882am.com


Visit and Like https://www.facebook.com/SandraCamOfficial

Follow me at https://www.twitter.com/whistleblowerSC

Visit my website at https://sandracamwhistleblower.blogspot.com/

OR PLEASE CLICK ON THE IMAGE TO ACCESS THE WEBSITE

No comments:

Post a Comment

PCSO Director Sandra Cam's 4th Public Service Announcement: Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory

4th PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT from the Office of PCSO Director Sandra Cam Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory (All d...