Thursday, October 26, 2017

Sandra Cam's viewpoint on the news "Drug suspect tags Drilon, Roxas as protectors"


“Kung totoo ang mga sinasabi ni Ricky Serenio sa kaniyang affidavit na nai-post ng Aksiyon Radyo Iloilo sa kanilang Facebook Page na itong sina dating Interior Secretary Mar Roxas at si Senador Franklin Drilon ay ninais na ma-kontrol ang bentahan ng droga sa Negros Island Region (o NIR) sa pamamagitan sana ng drug lord na si Melvin Odicta Sr., aba eh marapat lamang na ma-imbestigahang mabuti ang affidavit na iyan ng mga imbestigador at mga piskal kung may probable cause ba para makasuhan ang mga bigating tao na ito. Nakakagulat ito! Pero pansin ko lang, ha! Bakit wala yatang media value sa malalaking news organizations ang balitang ito? Iniisip ba nilang fake news lamang ito o gawa-gawa lamang ng pamahalaan? Sa affidavit na nai-submit ni Serenio sa La Carlota City prosecutor’s office sa Negros Occidental noong October 18 ay sinabi niyang itong sina Drilon at Roxas ay ninais na ma-kontrol ang illegal drug business sa Western Visayas – Panay / NIR sa pamamagitan ng paggamit sa mga kapulisan sa area na iyon upang maparalisa ang karibal na Berya-Camaria group at ipasa ang drug operations sa bata nilang si Odicta. Sinabi pa ni Serenio na mas malaking merkado ang Negros kaysa Panay o Iloilo at tama ang pahayag ng Pangulong Duterte na ang NIR ay number 3 sa pinaka-apektado ng problema sa droga. Aba eh hindi ba pet project ni Mar Roxas ang creation ng NIR noong panahon na siya ang Interior Secretary? At itong si General Marcelo Garbo na kasama sa listahan ng mga narco-generals ng Pangulo ay nai-report na kasa-kasama nina Mar Roxas sa Novotel bago ang eleksyon noong nakaraang taon sa kung saan ay may report din na may mga PCOS machines na nandoon. Eh mayroon tayong impormasyon na ang Novotel na iyan ay pag-aari nina Mar Roxas sa pamamagitan ng mga Araneta. Nabanggit din sa affidavit na si Mayor Jed Mabilog na kamag-anak ni Drilon ay protektado nitong huli at ni Roxas upang maprotektahan din si Odicta. Ngunit, ito ang malaking tanong – bakit kaya at sino ang nasa likod ng pagpatay kay Odicta at sa asawa nitong si Meriam noong August 29 sa Caticlan pier sa Aklan? Pinatahimik ba siya? Nasaan na si Mayor Mabilog? Babalik pa kaya siya dito sa ating bansa matapos na magpaalam na magpapagamot daw sa ibang bansa? Well, your guess is as good as mine but we can read between the lines!” - Sandra Cam, Whistleblower


Read: http://www.philstar.com/headlines/2017/10/25/1752246/drug-suspect-tags-drilon-roxas-protectors

Source: Philstar.com


Pakinggan at suportahan po ninyo ako sa aking bagong programa sa radyo, ang "SULONG NA BAYAN" sa DWIZ 882 khz sa AM band, 3:00 PM to 4:00 PM, Mondays thru Fridays. Ano man ang inyong reklamo sa serbisyo ng gobyerno o ano man ang inyong nais ihingi ng tulong, maaari kayong tumawag sa 4701750 hanggang 54 o mag-text o tumawag sa 09081366060 o 09157090882 (radio program hours only please). Para sa live streaming, i-access lamang ang www.dwiz882am.com


Visit and Like https://www.facebook.com/SandraCamOfficial

Follow me at https://www.twitter.com/whistleblowerSC

Visit my website at https://sandracamwhistleblower.blogspot.com/

OR PLEASE CLICK ON THE IMAGE TO ACCESS THE WEBSITE

No comments:

Post a Comment

PCSO Director Sandra Cam's 4th Public Service Announcement: Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory

4th PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT from the Office of PCSO Director Sandra Cam Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory (All d...