Friday, October 27, 2017

Sandra Cam's viewpoint on the news "Ombudsman dismisses Iloilo Mayor Mabilog over questionable wealth" and " Duterte to Iloilo Mayor Mabilog: 'You're next'"


’Nothing is permanent but change’. Ito ay isang quote mula kay Heraclitus of Ephesus na isang Greek philosopher. Itong nangyari kay Mayor Mabilog na pagkaka-dismiss sa kaniya ng Ombudsman dahil sa kuwestiyonableng kayamanan ay isang matibay na halimbawa ng quote mula kay Heraclitus. Nagsimula ng bumagsak ang bad karma sa Iloilo Mayor na ito at sa iba pang mga Dilawan! Mga pulitikong umabuso sa kapangyarihan at nagpakasasa sa kayamanan ng bayan. Tsk, tsk, tsk! Biruin mo, sa pagitan lamang ng taong 2012 at 2013 ay nagkaroon si Mayor Mabilog ng PHP8.9 million increase sa kaniyang net worth? Aba eh, pagsamahin mo man ang sahod niya bilang Mayor at ang alibi niyang businessman daw siya kaya mayroon siyang palasyo diyan sa Iloilo ay hindi pa rin maipaliliwanag ang laki ng itinaas sa kaniyang net worth! Nag-alibi pa si Mabilog na kasama daw sa kaniyang kayamanan ang kinikita ng kaniyang misis na nasa Canada at ang mga ari-arian nito doon. Aba eh, hindi naman siya nakapagpakita ng mga ebidensiya! Napaulat na ang net worth ni Mabilog ayon sa kaniyang SALN para sa taong 2012 ay PHP59.358 million at sa taong 2013 ay naging PHP68.341 million. No wonder, baka nga totoong kaya siya nagpunta sa ibang bansa para makapagpagamot doon ay dahil sa hindi niya ini-expect na malalantad din ang corruption niya sa Iloilo kaya na-high blood siya! At ito pa ang maaaring makapagpa-atake ng puso niya, huwag naman sana, ano? Noong Miyerkules ay sinabi ng Pangulong Duterte na, “The mayor of Iloilo City, I identified him. This was broadcasted. I said you are next, you're next." Naku, Toto! Magdasal ka na! Isuko mo na ang sarili mo sapagkat kahit magtago ka man sa ibang bansa ay mahuhuli at mahuhuli ka pa rin namin! At sa pamamagitan mo ay kokonekta na ang drug operations ninyo diyan sa Panay at Negros Islands kina ‘kagalang-galang’ na senador Frank Drilon saka dating Interior Secretary Mar Roxas ayon sa affidavit ni Ricky Serenio! Tsk, tsk, tsk! Totoong may hangganan ang lahat ng kasamaan! Magsisi na kayong lahat! - Sandra Cam, Whistleblower



Read: https://www.rappler.com/nation/186391-duterte-iloilo-mayor-jed-mabilog-next-drug-war

Source: Rappler.com



Pakinggan at suportahan po ninyo ako sa aking bagong programa sa radyo, ang "SULONG NA BAYAN" sa DWIZ 882 khz sa AM band, 3:00 PM to 4:00 PM, Mondays thru Fridays. Ano man ang inyong reklamo sa serbisyo ng gobyerno o ano man ang inyong nais ihingi ng tulong, maaari kayong tumawag sa 4701750 hanggang 54 o mag-text o tumawag sa 09081366060 o 09157090882 (radio program hours only please). Para sa live streaming, i-access lamang ang www.dwiz882am.com


Visit and Like https://www.facebook.com/SandraCamOfficial

Follow me at https://www.twitter.com/whistleblowerSC

Visit my website at https://sandracamwhistleblower.blogspot.com/

OR PLEASE CLICK ON THE IMAGE TO ACCESS THE WEBSITE

No comments:

Post a Comment

PCSO Director Sandra Cam's 4th Public Service Announcement: Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory

4th PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT from the Office of PCSO Director Sandra Cam Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory (All d...