Thursday, November 2, 2017

Sandra Cam's viewpoint on the news "De Lima gets highest human rights award from Liberal International"


"Una sa lahat, sa mga banyagang miyembro ng Liberal International, hindi ninyo kilala ang tunay na pagkatao ng isang Leila de Lima. Sayang ang parangal na ibinigay ninyo sa kaniya sapagkat hindi siya karapat-dapat dito. Pero sabagay, sino pa ba ang magkakampihan kung hindi kayong kapuwa Liberal sa buong mundo? Pero please lang, huwag kayong makikialam sa proseso ng batas namin dito sa Pilipinas sapagkat hindi dapat makalabas ng kulungan si de Lima sapagkat siya ay nagkasala sa batas ng Pilipinas. Masuwerte pa nga siya dahil hindi siya nakakulong sa regular jail. Itinutulak ko nga na mailipat siya doon para naman maramdaman niya ang mangulungan at magsisi ng husto sa mga nagawa niyang kasalanan sa bayan. At para sa iyo naman, Leila de Lima, ang lakas ng loob mong sabihin na ang pamahalaang ito ay mamamatay-tao at binabalewala ang karapatang-pantao?! Sa loob ng ilang taon ay nagpakasasa ka sa pera mula sa bentahan ng droga sa Bilibid na ito ay nagbubunga ng  pagkasira at unti-unting kamatayan sa mga nalululong dito kasama na din ang pangre-rape o kamatayan ng mga nagiging biktima ng mga adik! Eh mas masahol ka pa kaysa sa ibinibintang mo sa pamahalaan ng Pangulong Duterte! Imbes na ikaw ay magsisi sa mga nagawa mong kasalanan, mayabang ka pa din na lumalaban sa pamahalaan! Manahimik ka na de Lima at baka maawa pa sa iyo ang Panginoon!" - Sandra Cam, Whistleblower

     

Read: https://www.rappler.com/nation/187029-leila-de-lima-award-liberal-international-human-rights

Source: Rappler.com


Pakinggan at suportahan po ninyo ako sa aking bagong programa sa radyo, ang "SULONG NA BAYAN" sa DWIZ 882 khz sa AM band, 3:00 PM to 4:00 PM, Mondays thru Fridays. Ano man ang inyong reklamo sa serbisyo ng gobyerno o ano man ang inyong nais ihingi ng tulong, maaari kayong tumawag sa 4701750 hanggang 54 o mag-text o tumawag sa 09081366060 o 09157090882 (radio program hours only please). Para sa live streaming, i-access lamang ang www.dwiz882am.com


Visit and Like https://www.facebook.com/SandraCamOfficial

Follow me at https://www.twitter.com/whistleblowerSC

Visit my website at https://sandracamwhistleblower.blogspot.com/

OR PLEASE CLICK ON THE IMAGE TO ACCESS THE WEBSITE

No comments:

Post a Comment

PCSO Director Sandra Cam's 4th Public Service Announcement: Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory

4th PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT from the Office of PCSO Director Sandra Cam Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory (All d...