Wednesday, November 22, 2017

Sandra Cam's viewpoint on the news "De Lima warns of 'military takeover' if Duterte declares revolutionary gov't"


“Hoy de Lima, tama ba iyang sulsulan mo ang kasundaluhan na huwag na nilang kilalanin ang Pangulo dahil naging ‘tuta’ na kamo ito ng China?! At paanong naging tuta ng China ang presidente, aber?! Ukol naman sa revolutionary government, uulitin ko ha, nakararaming taong-bayan ang nagsusulong at umuudyok sa ating Pangulo na ideklara ang revolutionary government! Hindi ba ito Konstitusyonal?! Hindi ba nasa 1987 Constitution ang ukol sa People Power? Hindi ba saligang batas ito na ginawa ninyong mga Dilawan? Isinasaad sa Article II, Section 3 ng 1987 Philippine Constitution na ‘Civilian authority is, at all times, supreme over the military. The Armed Forces of the Philippines is the protector of the people and the State…’ kung kaya marapat lamang na sundin ng mga kasundaluhan ang sigaw ng nakararaming Pilipino upang maideklara ng Pangulo ang revolutionary government at maisakatuparan ang mga kailangang PAGBABAGO tulad ng PEDERALISMO para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino!



Kaugnay nito ay nananawagan ang DDS group na Network Revolution na pinangungunahan ni ka-DDS Vivian Velez na sa November 30, 2017 simula alas tres ng hapon ay magtipon-tipon daw sa palibot ng Malacanang at sa iba pang regional centers sa Luzon, Visayas, Mindanao at ibang bansa ang lahat ng mga nagmamahal sa ating Pangulong Duterte upang ihayag ng nakararaming Pilipino sa ating Pangulo na pabor sila na ideklara na ang revolutionary government upang maisakatuparan na ng Pangulo ang Pederalismo. Good luck po sa inyo, mga ka-DDS!" - Sandra Cam, Whistleblower


Read: https://www.rappler.com/nation/188894-de-lima-warns-military-takeover-duterte-revolutionary-government

Source: Rappler.com


Pakinggan at suportahan po ninyo ako sa aking bagong programa sa radyo, ang "SULONG NA BAYAN" sa DWIZ 882 khz sa AM band, 3:00 PM to 4:00 PM, Mondays thru Fridays. Ano man ang inyong reklamo sa serbisyo ng gobyerno o ano man ang inyong nais ihingi ng tulong, maaari kayong tumawag sa 4701750 hanggang 54 o mag-text o tumawag sa 09081366060 o 09157090882 (radio program hours only please). Para sa live streaming, i-access lamang ang www.dwiz882am.com


Visit and Like https://www.facebook.com/SandraCamOfficial

Follow me at https://www.twitter.com/whistleblowerSC

Visit my website at https://sandracamwhistleblower.blogspot.com/

OR PLEASE CLICK ON THE IMAGE TO ACCESS THE WEBSITE

No comments:

Post a Comment

PCSO Director Sandra Cam's 4th Public Service Announcement: Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory

4th PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT from the Office of PCSO Director Sandra Cam Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory (All d...