Monday, November 20, 2017

Sandra Cam's viewpoint on the news 'Don't let Duterte's minions use you,' De Lima tells new state witness Ragos"


"Naku, de Lima! Baka lumubog ka sa kinatatayuan mo o kinauupuan mo diyan sa kulungan mo sa Crame, ha! Ang sinungaling mo! Paano kang tutulungan ng Panginoon sa ginagawa mong iyan? Imbes na magsisi ka na lang sa mga nagawa mong kasalanan sa bayan ay nakukuha mo pang magsinungaling! Naaawa din naman ako sa iyo dahil dati kitang kaibigan. Pero noong nag-report ako sa iyo noong 2012 pa na laganap ang katiwalian sa loob ng Bilibid ay hindi mo ako pinansin. Dinala ko pa sa iyo ang isang nag-whistleblower na prison guard sa Bilibid na si Kabungsuan Makilala pero hindi mo pa rin kami pinansin. Kung nabubuhay pa sana itong si Kabungsuan ay siguradong haharap pa ito sa korte para idiin ang mga kakuntsaba ni mo sa Bilibid at siguradong kokonekta ito sa iyong mga illegal na aktibidad. Sayang lamang at napatay ito noong nakaraang taon. Ang tanong, sino kaya ang nagpapatay dito? Sino kaya ang may pagnanais na mapatahimik ang isang puedeng tumestigo laban sa mga gumagawa ng kalokohan sa Bilibid? Maghintay lang kayo at babagsak na ang karma sa inyo!" - Sandra Cam, Whistleblower  


Read: https://www.rappler.com/nation/188849-leila-de-lima-drug-charges-ragos-dayan

Source: Rappler.com


Pakinggan at suportahan po ninyo ako sa aking bagong programa sa radyo, ang "SULONG NA BAYAN" sa DWIZ 882 khz sa AM band, 3:00 PM to 4:00 PM, Mondays thru Fridays. Ano man ang inyong reklamo sa serbisyo ng gobyerno o ano man ang inyong nais ihingi ng tulong, maaari kayong tumawag sa 4701750 hanggang 54 o mag-text o tumawag sa 09081366060 o 09157090882 (radio program hours only please). Para sa live streaming, i-access lamang ang www.dwiz882am.com


Visit and Like https://www.facebook.com/SandraCamOfficial

Follow me at https://www.twitter.com/whistleblowerSC

Visit my website at https://sandracamwhistleblower.blogspot.com/

OR PLEASE CLICK ON THE IMAGE TO ACCESS THE WEBSITE

No comments:

Post a Comment

PCSO Director Sandra Cam's 4th Public Service Announcement: Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory

4th PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT from the Office of PCSO Director Sandra Cam Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory (All d...