Thursday, November 16, 2017

Sandra Cam's viewpoint on the news "De Lima: ‘Unholy’ Duterte-Arroyo alliance loaning PHL to China"


"De Lima, ang likot naman ng imahinasyon mo sa paggawa ng kuwento na isinasangla ng Pangulong Duterte ang ating bansa sa China! Tila ang pananatili mo diyan sa kulungan bagamat maganda pa rin naman ang kalagayan mo diyan, ha, na dapat sana ay sa regular jail ka nakakulong ay nagbubunga na para sa iyo upang ikaw ay mag-‘hallucinate’. Kulang na lang ay mag-drama ka diyan sa kulungan na ikaw ay nababaliw na upang makapag-apply ka sa Korte Suprema na ikaw ay pakawalan na! Ang pagiging malapit ng Pangulong Duterte sa bansang China ay hindi nangangahulugan na isinasangla niya ang ating bansa dito. Ginagawa niya ito upang wakasan na ang imperiyalismo ng bansang Amerika sa atin upang taas-noo tayong mga Pilipino na haharap sa lahat ng mga malalaking bansa. Sa nakalipas na ASEAN Summit, nakita ng mga Pilipino at ng buong mundo ang paghanga nina US President Trump at ni Russian President Putin sa ating Pangulo. Ngayon lamang ulit nangyari iyan bukod sa dating Pangulong Marcos na nilalabanan ang imperiyalismo ng malalaking bansa.   


Huwag mo din isipin, de Lima na ginagantihan ka lamang ng dalawa! Kahit na inimbestigahan mo si Mayor Duterte noon sa kabila na wala ka namang ebidensiya na may kaugnayan siya sa Davao Death Squad, klaro naman na kaya ka nakulong ay dahil sa pikit-mata ka sa pagkalat ng droga sa Bilibid! Anong ibig sabihin noon?! At ang ginawa mo sa dating Pangulong Arroyo na illegal na pag-aresto noong 2011, walang kinalaman iyon sa kinasapitan mo ngayon! Ang lakas naman ng loob mo, de Lima!


Huwag na huwag mong kokontrobersiyahin ang ‘Build, Build, Build program’ ng Duterte government dahil sa tinagal-tagal ninyong mga Dilawan sa gobyerno ay wala sa inyong nakaisip na gawin ang massive infrastructure programs para sa kapakanan ng ating bansa!


Huwag ka na din magtaka kung bakit si Congresswoman Arroyo ang pinaharap sa mga bisita sa ASEAN meetings imbes na si Leni. Dahil sa dating naging Pangulo ng ating bansa si Congresswoman Arroyo ay mas mahusay niyang maasikaso ang ating mga bisita. Mabuti nga at binibigyan pa din ng ating Pangulo itong si Leni ng mga official functions out of benefit of the doubt sapagkat hindi naman buo ang suporta nito sa Pangulo. Hindi ba, nagsalita pa siya sa mga kasundaluhan na huwag suportahan ang revolutionary government kung idedeklara ito ng ating Pangulo?! Ginang Leni, taong bayan ang nagsusulong ng revolutionary government at hindi ang Pangulo! Wala kang magagawa kung taong-bayan na ang nagsasabi! Kayo lang ba ng may People Power?! " - Sandra Cam, Whistleblower


Read: http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/633309/de-lima-unholy-duterte-arroyo-alliance-loaning-phl-to-china/story/

Source: GMANetwork.com


Pakinggan at suportahan po ninyo ako sa aking bagong programa sa radyo, ang "SULONG NA BAYAN" sa DWIZ 882 khz sa AM band, 3:00 PM to 4:00 PM, Mondays thru Fridays. Ano man ang inyong reklamo sa serbisyo ng gobyerno o ano man ang inyong nais ihingi ng tulong, maaari kayong tumawag sa 4701750 hanggang 54 o mag-text o tumawag sa 09081366060 o 09157090882 (radio program hours only please). Para sa live streaming, i-access lamang ang www.dwiz882am.com


Visit and Like https://www.facebook.com/SandraCamOfficial

Follow me at https://www.twitter.com/whistleblowerSC

Visit my website at https://sandracamwhistleblower.blogspot.com/

OR PLEASE CLICK ON THE IMAGE TO ACCESS THE WEBSITE

Saturday, November 11, 2017

Sandra Cam's viewpoint on the news "Duterte most approved, trusted among last 4 presidents —Pulse Asia"


“Maraming salamat sa ating mga kababayan sa ibinigay na 80% resulta ng trust and approval rating survey na isinagawa ng Pulse Asia na ang ating Pangulong Duterte pa din ang may pinaka-mataas na puntos ukol sa pinagtitiwalaang presidente simula pa kay Pangulong Estrada. Ganoon pa man, ang ating Pangulong Duterte at ang kaniyang kabinete ay patuloy na itataguyod ang interes ng mamamayan at ng bansang Pilipinas na maipagmamalaki ng bawat Pilipino." - Sandra Cam, Whistleblower



Read: http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/632674/duterte-most-approved-trusted-among-last-4-presidents-pulse-asia/story/

Source: GMANetwork.com



Pakinggan at suportahan po ninyo ako sa aking bagong programa sa radyo, ang "SULONG NA BAYAN" sa DWIZ 882 khz sa AM band, 3:00 PM to 4:00 PM, Mondays thru Fridays. Ano man ang inyong reklamo sa serbisyo ng gobyerno o ano man ang inyong nais ihingi ng tulong, maaari kayong tumawag sa 4701750 hanggang 54 o mag-text o tumawag sa 09081366060 o 09157090882 (radio program hours only please). Para sa live streaming, i-access lamang ang www.dwiz882am.com


Visit and Like https://www.facebook.com/SandraCamOfficial

Follow me at https://www.twitter.com/whistleblowerSC

Visit my website at https://sandracamwhistleblower.blogspot.com/

OR PLEASE CLICK ON THE IMAGE TO ACCESS THE WEBSITE

Wednesday, November 8, 2017

Sandra Cam's viewpoint on the news "Ombudsman formally charges Noynoy for graft, usurpation at Sandiganbayan"


"Naku Ombudsman Morales, thank you but no thank you! Hindi ka agad kumilos sa loob ng apat na buwan pero kahit forever ka na sanang hindi kumilos! Bakit kamo?! Eh moro-moro lamang naman iyang ikinaso mo sa dating Pangulo! Alam mong mapapawalang-sala din si citizen Noy diyan. Huwag mo kaming gawing mangmang, Ombudsman Morales! Kinasuhan mo lamang ng graft saka usurpation of official function ang noon ay Pangulo ng Pilipinas?! Commander-in-Chief ng lahat ng kasundaluhan at kapulisan, kakasuhan ng usurpation?! Hellow!!! Ang dapat diyan ay 44 counts ng reckless imprudence resulting to multiple homicide! Kung iyan sana ang ikinaso kay citizen Noy ay mabubulok na siya sa kulungan! You have the bloods of those 44 SAF members on your hands, Mr. former President! Marami kang kasalanan sa bayan! Bahala na ang Panginoon sa iyo citizen Noy at sa iyo Ombudsman Morales!" - Sandra Cam, Whistleblower


Read: http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/632336/ombudsman-formally-charges-noynoy-for-graft-usurpation-at-sandiganbayan/story/

Source: GMANetwork.com


Pakinggan at suportahan po ninyo ako sa aking bagong programa sa radyo, ang "SULONG NA BAYAN" sa DWIZ 882 khz sa AM band, 3:00 PM to 4:00 PM, Mondays thru Fridays. Ano man ang inyong reklamo sa serbisyo ng gobyerno o ano man ang inyong nais ihingi ng tulong, maaari kayong tumawag sa 4701750 hanggang 54 o mag-text o tumawag sa 09081366060 o 09157090882 (radio program hours only please). Para sa live streaming, i-access lamang ang www.dwiz882am.com


Visit and Like https://www.facebook.com/SandraCamOfficial

Follow me at https://www.twitter.com/whistleblowerSC

Visit my website at https://sandracamwhistleblower.blogspot.com/

OR PLEASE CLICK ON THE IMAGE TO ACCESS THE WEBSITE

Sandra Cam's viewpoint on the news "DOJ starts ‘pork’ probe of Drilon, Trillanes"


"Taong May 2014 pa noong isiwalat ko ang involvement ng 82 congressmen saka 16 na senador kabilang na ang mga nabanggit na tao sa pork barrel scam ngunit binalewala nila ako. Palibhasa ay 80% ng mga involved ay kabilang sa nakaraang administrasyon noong mga panahon na iyon. Sinabi pa nitong si Napoles na ang tanging listahan lamang ay ipinahawak niya kay de Lima at hindi daw totoo ang hawak kong listahan samantalang ito ay galing sa mapagkakatiwalaang source. Oh ano ngayon? Bumaligtad na si Napoles. Malalantad na ang katotohanan na matagal nilang itinago. Iyang si Napoles at si Drilon ay BFF noon kaya hindi idinadawit ng una ang huli sa scam. Well, I am now vindicated! Salamat sa Panginoon! Good luck sa inyo, mga Dilawan! ‘Ika nga ni dating Pangulong Erap, ‘weder-weder’ lang iyan! Hahaha!" - Sandra Cam, Whistleblower


Read: http://www.philstar.com/headlines/2017/11/06/1756184/doj-starts-pork-probe-drilon-trillanes

Source: Philstar.com


Pakinggan at suportahan po ninyo ako sa aking bagong programa sa radyo, ang "SULONG NA BAYAN" sa DWIZ 882 khz sa AM band, 3:00 PM to 4:00 PM, Mondays thru Fridays. Ano man ang inyong reklamo sa serbisyo ng gobyerno o ano man ang inyong nais ihingi ng tulong, maaari kayong tumawag sa 4701750 hanggang 54 o mag-text o tumawag sa 09081366060 o 09157090882 (radio program hours only please). Para sa live streaming, i-access lamang ang www.dwiz882am.com


Visit and Like https://www.facebook.com/SandraCamOfficial

Follow me at https://www.twitter.com/whistleblowerSC

Visit my website at https://sandracamwhistleblower.blogspot.com/

OR PLEASE CLICK ON THE IMAGE TO ACCESS THE WEBSITE

Sandra Cam's viewpoint on the news "Fewer Pinoys believe Rody can fulfill vows – SWS"


"Ang mahalaga ay sa loob lamang ng isang taon ay napakarami ng nagawa ng ating Pangulo na hindi nagawa ng nakalipas na mga administrasyon. Nariyan ang Freedom of Information (o FOI), approval ng Free College Education bill, ang achievements ng war on drugs na kahit hindi natapos agad sa loob ng 3 to 6 months ay napakarami ng developments. Hindi naman kasi inakala ng ating Pangulo na napakalalim pala ng pagkaka-ugat ng problema sa droga sa ating lipunan. Ang dami palang involved na mga pulitiko at saka police and military officials. Ang ating Pangulo din ang nakapagpa-bayad sa napakalaki at napakatagal na utang ng Mighty Corporation at ni Lucio Tan sa ating gobyerno. Nabawi din natin ang Mile Long property ng mga Prieto. Kung hindi sana naistorbo ang ating gobyerno dahil diyan sa giyera sa Marawi ay naituon sana ang atensiyon sa panukalang pederalismo ng ating Pangulo. Ito po ang aming pakiusap sa ating mga kababayan, magtiwala lamang po tayo sa ating pamahalaan. Hindi po ninyo batid kung gaano kasipag ang ating Pangulo na kahit may edad na siya ay inilalaan talaga niya ang maraming oras ng bawat araw niya para paglingkuran tayong lahat. Sana ay ipanalangin natin siya sa Panginoon na bigyan pa ng mahabang buhay at ibayong lakas dahil sa totoo lamang ay siya na lang po talaga ang ating huling baraha para sa PAGBABAGO!" - Sandra Cam, Whistleblower




Pakinggan at suportahan po ninyo ako sa aking bagong programa sa radyo, ang "SULONG NA BAYAN" sa DWIZ 882 khz sa AM band, 3:00 PM to 4:00 PM, Mondays thru Fridays. Ano man ang inyong reklamo sa serbisyo ng gobyerno o ano man ang inyong nais ihingi ng tulong, maaari kayong tumawag sa 4701750 hanggang 54 o mag-text o tumawag sa 09081366060 o 09157090882 (radio program hours only please). Para sa live streaming, i-access lamang ang www.dwiz882am.com


Visit and Like https://www.facebook.com/SandraCamOfficial

Follow me at https://www.twitter.com/whistleblowerSC

Visit my website at https://sandracamwhistleblower.blogspot.com/

OR PLEASE CLICK ON THE IMAGE TO ACCESS THE WEBSITE

Friday, November 3, 2017

Sandra Cam's viewpoint on the news "Bzzzzz: ‘Lil’ narco met Marco’: Did Trump say that of Trillanes?"


"Mr. Trillanes, sumisigaw ka ng ‘fake news’ pero wala ka namang ebidensiya para pasinungalingan ito! Ang problema kasi sa iyo, sa kagustuhan mong wasakin ang imahe ng Pangulong Duterte ay bumabalandra sa iyo ang mga ginagawa mo! Ano bang nangyari sa iyo noong ma-interview ka ni Stephen Sackur sa kaniyang TV program sa BBC noong June 2017? Hindi ba napahiya ka sa buong mundo? Nilamon ka ng buo ni Sackur! Heto ngayon, nakikipagkutsabahan ka kay US Senator Rubio para wasakin ang Pangulong Duterte pero ano ang ibinigay sa iyong kapalit ng karma? Kahihiyan na naman sa buong mundo! Ang bilis ng karma sa iyo, ha! Akalain mong tawagin kang ‘lil narco’ ng Pangulo ng Estados Unidos?! Hahaha! Totoo man iyan o hindi, wasak na wasak ka na hindi lang sa milyon-milyong Pilipino bagkus sa bilyon-bilyong tao sa buong mundo!" - Sandra Cam, Whistleblower


Read: http://www.sunstar.com.ph/cebu/local-news/2017/11/01/bzzzzz-lil-narco-met-marco-did-trump-say-trillanes-572569

Source: Sunstar Cebu


Pakinggan at suportahan po ninyo ako sa aking bagong programa sa radyo, ang "SULONG NA BAYAN" sa DWIZ 882 khz sa AM band, 3:00 PM to 4:00 PM, Mondays thru Fridays. Ano man ang inyong reklamo sa serbisyo ng gobyerno o ano man ang inyong nais ihingi ng tulong, maaari kayong tumawag sa 4701750 hanggang 54 o mag-text o tumawag sa 09081366060 o 09157090882 (radio program hours only please). Para sa live streaming, i-access lamang ang www.dwiz882am.com


Visit and Like https://www.facebook.com/SandraCamOfficial

Follow me at https://www.twitter.com/whistleblowerSC

Visit my website at https://sandracamwhistleblower.blogspot.com/

OR PLEASE CLICK ON THE IMAGE TO ACCESS THE WEBSITE

Thursday, November 2, 2017

Sandra Cam's viewpoint on the news "De Lima gets highest human rights award from Liberal International"


"Una sa lahat, sa mga banyagang miyembro ng Liberal International, hindi ninyo kilala ang tunay na pagkatao ng isang Leila de Lima. Sayang ang parangal na ibinigay ninyo sa kaniya sapagkat hindi siya karapat-dapat dito. Pero sabagay, sino pa ba ang magkakampihan kung hindi kayong kapuwa Liberal sa buong mundo? Pero please lang, huwag kayong makikialam sa proseso ng batas namin dito sa Pilipinas sapagkat hindi dapat makalabas ng kulungan si de Lima sapagkat siya ay nagkasala sa batas ng Pilipinas. Masuwerte pa nga siya dahil hindi siya nakakulong sa regular jail. Itinutulak ko nga na mailipat siya doon para naman maramdaman niya ang mangulungan at magsisi ng husto sa mga nagawa niyang kasalanan sa bayan. At para sa iyo naman, Leila de Lima, ang lakas ng loob mong sabihin na ang pamahalaang ito ay mamamatay-tao at binabalewala ang karapatang-pantao?! Sa loob ng ilang taon ay nagpakasasa ka sa pera mula sa bentahan ng droga sa Bilibid na ito ay nagbubunga ng  pagkasira at unti-unting kamatayan sa mga nalululong dito kasama na din ang pangre-rape o kamatayan ng mga nagiging biktima ng mga adik! Eh mas masahol ka pa kaysa sa ibinibintang mo sa pamahalaan ng Pangulong Duterte! Imbes na ikaw ay magsisi sa mga nagawa mong kasalanan, mayabang ka pa din na lumalaban sa pamahalaan! Manahimik ka na de Lima at baka maawa pa sa iyo ang Panginoon!" - Sandra Cam, Whistleblower

     

Read: https://www.rappler.com/nation/187029-leila-de-lima-award-liberal-international-human-rights

Source: Rappler.com


Pakinggan at suportahan po ninyo ako sa aking bagong programa sa radyo, ang "SULONG NA BAYAN" sa DWIZ 882 khz sa AM band, 3:00 PM to 4:00 PM, Mondays thru Fridays. Ano man ang inyong reklamo sa serbisyo ng gobyerno o ano man ang inyong nais ihingi ng tulong, maaari kayong tumawag sa 4701750 hanggang 54 o mag-text o tumawag sa 09081366060 o 09157090882 (radio program hours only please). Para sa live streaming, i-access lamang ang www.dwiz882am.com


Visit and Like https://www.facebook.com/SandraCamOfficial

Follow me at https://www.twitter.com/whistleblowerSC

Visit my website at https://sandracamwhistleblower.blogspot.com/

OR PLEASE CLICK ON THE IMAGE TO ACCESS THE WEBSITE

PCSO Director Sandra Cam's 4th Public Service Announcement: Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory

4th PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT from the Office of PCSO Director Sandra Cam Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory (All d...