Advocator of Truth, Servant of the Masses (Tagapagtaguyod ng Katotohanan, Lingkod ng Masa)
Wednesday, November 29, 2017
Tuesday, November 28, 2017
Sandra Cam's viewpoint on the news "Aquino: LP is not out to oust Duterte"
"The signs are everywhere, citizen Noy! Kahit mag-deny ka pa! Mag-deny man ang Liberal Party! Kitang-kita namin ang pagkakaisa ng mga Dilawan sa pangunguna ni Mr. Antonio Trillanes at iba pang mga senador at kongresista, ng mga Pulahan, ng simbahang Katolika, ng mga malalaking negosyante na nababangga ng Pangulo, ng mainstream media, at iba pa!
Kasaysayan din ang kokontra sa pagde-deny mo, citizen Noy! Hindi ba pinabagsak ng alyansang Dilawan ang Pangulong Marcos?! Hindi ba kayo din ang nagpabagsak sa Pangulong Estrada?! Wala bang mabigat na dahilan upang pabagsakin ninyo ang Pangulong Duterte?! Hindi ba kayo nababangga ngayon ng Pangulong Duterte?! Hindi ba nakakulong na ngayon si de Lima?! Hindi ba sinampahan na ng mga kaso sina Trillanes, Hontiveros, mga DOTC officials mo dati, pati na ang bayaw mong si Eldon Cruz at ang dating Budget Secretary mo na si Abad ukol sa P8.7-B right-of-way scam sa General Santos City?! Hindi ba kakanta na si Janet Lim Napoles ukol sa PDAF scam?! At higit sa lahat ay hindi ba kinasuhan ka na bagaman hindi ang inaasahan naming mabigat na ikakaso sa iyo sa Ombudsman ukol sa SAF 44?! Papayag ba kayong makulong?! Papayag ka bang makulong?! Hindi, di ba?!
At ano iyang sinasabi mong laganap pa rin ang kahirapan sa panahon ngayon ng Pangulong Duterte?! Hindi ba kakapasa mo pa lang sa kaniya ng puwesto mo?! Hindi ba tatlong dekada kayong namayagpag sa kapangyarihan?! Ibig sabihin ay kayo ang naglugmok ng Pilipinas sa kahirapan! Anong paglabag sa karapatang pantao ang sinasabi mo diyan?! Nalimutan mo na ba ang ‘Mendiola Massacre’ sa panahon ng nanay mo?! Nalimutan mo na ba ang ‘Hacienda Luisita Massacre’?! Nalimutan mo na ba ang ‘Kidapawan Massacre’ bago ka umalis sa poder mo?! Tatlong dekada ng pamamayagpag sa kapangyarihan ng mga Dilawan ang tigmak ng dugo ang ating kasaysayan! Huwag kang magmamalinis diyan, citizen Noy! Habang itinituro mo ang isang daliri ng kamay mo sa Pangulong Duterte, apat na daliri ng kamay mo ang nakaturo naman sa iyo!" - Sandra Cam, Whistleblower
Read: http://newsinfo.inquirer.net/948070/aquino-lp-is-not-out-to-oust-duterte
Source: Inquirer.net
Pakinggan at suportahan po ninyo ako sa aking bagong programa sa radyo, ang "SULONG NA BAYAN" sa DWIZ 882 khz sa AM band, 3:00 PM to 4:00 PM, Mondays thru Fridays. Ano man ang inyong reklamo sa serbisyo ng gobyerno o ano man ang inyong nais ihingi ng tulong, maaari kayong tumawag sa 4701750 hanggang 54 o mag-text o tumawag sa 09081366060 o 09157090882 (radio program hours only please). Para sa live streaming, i-access lamang ang www.dwiz882am.com
Visit and Like https://www.facebook.com/SandraCamOfficial
Follow me at https://www.twitter.com/whistleblowerSC
Visit my website at https://sandracamwhistleblower.blogspot.com/
OR PLEASE CLICK ON THE IMAGE TO ACCESS THE WEBSITE
Saturday, November 25, 2017
Sandra Cam's viewpoint on the FB Group 'Classic Pare Titos and Titas of Manila'
"Hmmm! Something smells fishy here! I do not want to spoil the fun of reminiscing the good old days but because of the sudden netizen's massive patronage of the FB Group - 'Classic Pare Titos and Titas of Manila' and ABS-CBN's current blog featuring the aforementioned FB Group, natatabunan na po ang mga most important notifications or news about PRRD, DDS, BBM or mga respective posts natin pati na sa mga timelines natin, hence shouldn't we rethink our priorities of using the social media? Did you know that this FB Group is just a month old but it already has 1,169,342 members as of the moment and its growing fast - I just noticed that within a span of 2 hours only, 3,128 new members were added today - 25 November 2017 at 1:43 PM so it now has 1,172,470 members with an average of 200k members' posts daily which will pass via your FB Home, updates about PRRD, etc. will surely be taken for granted. Woahhh! It's either we are being unconsciously swept away from depending on the social media to get our accurate PRRD news updates and the true picture of the State of the Nation under the current administration as opposed to the past that the mainstream media are depriving us of OR this is actually the latest grand ploy of the Dilawans to divert our attention from being hooked via the social media to know the latest achievements of the Duterte administration in contrast to the bloopers of the Aquino dispensation. Be wary, mga ka-DDS at ka-BBM! I don't know about you but I'm going to get out of this Group!" - Sandra Cam, Whistleblower
Read: http://news.abs-cbn.com/life/11/25/17/grupong-titos-and-titas-of-manila-sa-fb-paggunita-sa-mas-simpleng-panahon and http://news.abs-cbn.com/trending/11/24/17/facebook-group-patok-sa-mga-titos-and-titas-of-manila
Source of image: Screenshot of ABS CBN News blog
Pakinggan at suportahan po ninyo ako sa aking bagong programa sa radyo, ang "SULONG NA BAYAN" sa DWIZ 882 khz sa AM band, 3:00 PM to 4:00 PM, Mondays thru Fridays. Ano man ang inyong reklamo sa serbisyo ng gobyerno o ano man ang inyong nais ihingi ng tulong, maaari kayong tumawag sa 4701750 hanggang 54 o mag-text o tumawag sa 09081366060 o 09157090882 (radio program hours only please). Para sa live streaming, i-access lamang ang www.dwiz882am.com
Visit and Like https://www.facebook.com/SandraCamOfficial
Follow me at https://www.twitter.com/whistleblowerSC
Visit my website at https://sandracamwhistleblower.blogspot.com/
OR PLEASE CLICK ON THE IMAGE TO ACCESS THE WEBSITE
Friday, November 24, 2017
Sandra Cam's viewpoint on the news "Morales mum on looming impeachment"
"Alam mo Ginang Conchita Carpio-Morales, por delikadeza reasons, sundin mo na ang Pangulo na mag-resign ka na lang. Huwag mong gayahin ang kapuwa mo Dilawan na si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na nakikipagmatigasan dahil baka pareho kayong mapahiya kung hindi pa kayo mag-ge-graceful exit. Baka matulad kayo kay dating COMELEC Chairman Andres Bautista na inabutang ma-impeached ng Kongreso kahit na sa bandang huli ay nag-resign na ito. You will all go down in Philippine history as those “honorable” magistrates who were impeached by the Congress of the Philippines because of alleged misconduct in dealing with your respective functions! Hindi maganda na mabatikan ang inyong mga pangalan sapagkat ito ay magiging isang stigma na dadalhin ng inyong susunod na salinlahi." - Sandra Cam, Whistleblower
Read: http://www.philstar.com/headlines/2017/11/23/1761710/morales-mum-looming-impeachment
Source: Philstar.com
Pakinggan at suportahan po ninyo ako sa aking bagong programa sa radyo, ang "SULONG NA BAYAN" sa DWIZ 882 khz sa AM band, 3:00 PM to 4:00 PM, Mondays thru Fridays. Ano man ang inyong reklamo sa serbisyo ng gobyerno o ano man ang inyong nais ihingi ng tulong, maaari kayong tumawag sa 4701750 hanggang 54 o mag-text o tumawag sa 09081366060 o 09157090882 (radio program hours only please). Para sa live streaming, i-access lamang ang www.dwiz882am.com
Visit and Like https://www.facebook.com/SandraCamOfficial
Follow me at https://www.twitter.com/whistleblowerSC
Visit my website at https://sandracamwhistleblower.blogspot.com/
OR PLEASE CLICK ON THE IMAGE TO ACCESS THE WEBSITE
Wednesday, November 22, 2017
Sandra Cam's viewpoint on the news "De Lima slams PNP over 'repeated denial' of foreign visitors"
"Hindi ka ba kinikilabutan sa kasinungalingan mo de Lima?! Totoong inosente ka kamo?! At ano ngayon kung senador ka ng Republika? Mas masuwerte ka pa nga kaysa sa mga nakakulong sa ordinaryong kulungan kahit pa sabihing constitutionally presumed innocent lahat kayo! Ang sarap ng buhay mo diyan sa kulungan sa Camp Crame kumpara sa mga nasa city o municipal jails o kahit pa sa provincial jails! Alam ko ang kondisyon diyan sa loob ng Custodial Center dahil madalas akong may binibisita diyan sa loob. At bilang preso, limitado ang karapatan na ipinapangalandakan mo! Natural lamang na kung hindi pa takdang araw o oras ng pagbisita sa mga nakakulong ay hindi talaga papayagan na makapasok sinuman iyang mga bisita mo kahit may notice pa sila! Kailangan din sumunod sa mga patakaran ng tamang pananamit, pagsunod sa mga puedeng dalhin na pagkain o gamit sa loob, tamang bilang ng papasok na bisita at marami pang ibang patakaran! Masuwerte ka pa rin, de Lima! Kaya huwag kang putak ng putak diyan!" - Sandra Cam, Whistleblower
Read: http://www.philstar.com/headlines/2017/11/21/1761108/de-lima-slams-pnp-over-repeated-denial-foreign-visitors
Source: Philstar.com
Pakinggan at suportahan po ninyo ako sa aking bagong programa sa radyo, ang "SULONG NA BAYAN" sa DWIZ 882 khz sa AM band, 3:00 PM to 4:00 PM, Mondays thru Fridays. Ano man ang inyong reklamo sa serbisyo ng gobyerno o ano man ang inyong nais ihingi ng tulong, maaari kayong tumawag sa 4701750 hanggang 54 o mag-text o tumawag sa 09081366060 o 09157090882 (radio program hours only please). Para sa live streaming, i-access lamang ang www.dwiz882am.com
Visit and Like https://www.facebook.com/SandraCamOfficial
Follow me at https://www.twitter.com/whistleblowerSC
Visit my website at https://sandracamwhistleblower.blogspot.com/
OR PLEASE CLICK ON THE IMAGE TO ACCESS THE WEBSITE
Sandra Cam's viewpoint on the news "De Lima warns of 'military takeover' if Duterte declares revolutionary gov't"
“Hoy de Lima, tama ba iyang sulsulan mo ang kasundaluhan na huwag na nilang kilalanin ang Pangulo dahil naging ‘tuta’ na kamo ito ng China?! At paanong naging tuta ng China ang presidente, aber?! Ukol naman sa revolutionary government, uulitin ko ha, nakararaming taong-bayan ang nagsusulong at umuudyok sa ating Pangulo na ideklara ang revolutionary government! Hindi ba ito Konstitusyonal?! Hindi ba nasa 1987 Constitution ang ukol sa People Power? Hindi ba saligang batas ito na ginawa ninyong mga Dilawan? Isinasaad sa Article II, Section 3 ng 1987 Philippine Constitution na ‘Civilian authority is, at all times, supreme over the military. The Armed Forces of the Philippines is the protector of the people and the State…’ kung kaya marapat lamang na sundin ng mga kasundaluhan ang sigaw ng nakararaming Pilipino upang maideklara ng Pangulo ang revolutionary government at maisakatuparan ang mga kailangang PAGBABAGO tulad ng PEDERALISMO para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino!
Kaugnay nito ay nananawagan ang DDS group na Network Revolution na pinangungunahan ni ka-DDS Vivian Velez na sa November 30, 2017 simula alas tres ng hapon ay magtipon-tipon daw sa palibot ng Malacanang at sa iba pang regional centers sa Luzon, Visayas, Mindanao at ibang bansa ang lahat ng mga nagmamahal sa ating Pangulong Duterte upang ihayag ng nakararaming Pilipino sa ating Pangulo na pabor sila na ideklara na ang revolutionary government upang maisakatuparan na ng Pangulo ang Pederalismo. Good luck po sa inyo, mga ka-DDS!" - Sandra Cam, Whistleblower
Read: https://www.rappler.com/nation/188894-de-lima-warns-military-takeover-duterte-revolutionary-government
Source: Rappler.com
Pakinggan at suportahan po ninyo ako sa aking bagong programa sa radyo, ang "SULONG NA BAYAN" sa DWIZ 882 khz sa AM band, 3:00 PM to 4:00 PM, Mondays thru Fridays. Ano man ang inyong reklamo sa serbisyo ng gobyerno o ano man ang inyong nais ihingi ng tulong, maaari kayong tumawag sa 4701750 hanggang 54 o mag-text o tumawag sa 09081366060 o 09157090882 (radio program hours only please). Para sa live streaming, i-access lamang ang www.dwiz882am.com
Visit and Like https://www.facebook.com/SandraCamOfficial
Follow me at https://www.twitter.com/whistleblowerSC
Visit my website at https://sandracamwhistleblower.blogspot.com/
OR PLEASE CLICK ON THE IMAGE TO ACCESS THE WEBSITE
Monday, November 20, 2017
Sandra Cam's viewpoint on the news 'Don't let Duterte's minions use you,' De Lima tells new state witness Ragos"
"Naku, de Lima! Baka lumubog ka sa kinatatayuan mo o kinauupuan mo diyan sa kulungan mo sa Crame, ha! Ang sinungaling mo! Paano kang tutulungan ng Panginoon sa ginagawa mong iyan? Imbes na magsisi ka na lang sa mga nagawa mong kasalanan sa bayan ay nakukuha mo pang magsinungaling! Naaawa din naman ako sa iyo dahil dati kitang kaibigan. Pero noong nag-report ako sa iyo noong 2012 pa na laganap ang katiwalian sa loob ng Bilibid ay hindi mo ako pinansin. Dinala ko pa sa iyo ang isang nag-whistleblower na prison guard sa Bilibid na si Kabungsuan Makilala pero hindi mo pa rin kami pinansin. Kung nabubuhay pa sana itong si Kabungsuan ay siguradong haharap pa ito sa korte para idiin ang mga kakuntsaba ni mo sa Bilibid at siguradong kokonekta ito sa iyong mga illegal na aktibidad. Sayang lamang at napatay ito noong nakaraang taon. Ang tanong, sino kaya ang nagpapatay dito? Sino kaya ang may pagnanais na mapatahimik ang isang puedeng tumestigo laban sa mga gumagawa ng kalokohan sa Bilibid? Maghintay lang kayo at babagsak na ang karma sa inyo!" - Sandra Cam, Whistleblower
Read: https://www.rappler.com/nation/188849-leila-de-lima-drug-charges-ragos-dayan
Source: Rappler.com
Pakinggan at suportahan po ninyo ako sa aking bagong programa sa radyo, ang "SULONG NA BAYAN" sa DWIZ 882 khz sa AM band, 3:00 PM to 4:00 PM, Mondays thru Fridays. Ano man ang inyong reklamo sa serbisyo ng gobyerno o ano man ang inyong nais ihingi ng tulong, maaari kayong tumawag sa 4701750 hanggang 54 o mag-text o tumawag sa 09081366060 o 09157090882 (radio program hours only please). Para sa live streaming, i-access lamang ang www.dwiz882am.com
Visit and Like https://www.facebook.com/SandraCamOfficial
Follow me at https://www.twitter.com/whistleblowerSC
Visit my website at https://sandracamwhistleblower.blogspot.com/
OR PLEASE CLICK ON THE IMAGE TO ACCESS THE WEBSITE
Subscribe to:
Comments (Atom)
PCSO Director Sandra Cam's 4th Public Service Announcement: Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory
4th PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT from the Office of PCSO Director Sandra Cam Requirements for Implant or Diagnostic or Laboratory (All d...
-
To all media practitioners, organization officers, members and inductees in this hall, good morning! It is my privilege to address tod...
-
26 October 2017 Brother Eduardo V. Manalo Executive Minister Iglesia Ni Cristo No. 1 Central Avenue, Quezon City Dear ...
-
3rd PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT from the Office of PCSO Director Sandra Cam Requirements for Chemotherapy or Medicines (All documents ...






